5 tulay lubog sa baha

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Limang pangu­nahing tulay na sinasabing nag-uugnay sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Isa­bela ang hindi madaanan ng anu­mang uri ng sasak­yan maka­raang lumubog sa tubig-baha kamaka­lawa.

Kabilang sa mga tulay na lumubog ay ang overflow bridge ng Alicaocao sa Cauayan City, Isabela; over­flow bridges ng Gucab at An­nafunan sa bayan ng Echa­gue, Isabela; overflow bridge na nag-uugnay sa mga ba­ yan ng Sta. Maria at Caba­gan; tu­lay na nag-uugnay sa Sto. To­mas at Ca­bagan, Isabela; at ang Pi­galo bridge na nag-uug­­nay na­man sa mga bayan ng An­ga­­da­nan at San Guiller­mo, Isabela.

Bukod sa mga nabang­git na tulay ay hindi na rin ma­da­daan ang mga maliliit na tulay na nag-uugnay sa ilang ba­rangay sa Ilagan, ang kabi­sera ng Isabela  dahil sa pag­taas ng tubig sa Pinaka­nawan at Abuan River.

Pinayuhan naman ng mga awtoridad ang mga residente na malapit sa Pinakanawan River, Caga­yan River at Abuan River na lumikas sa mas mataas na lugar sa pa­ngamba na mag­papatuloy pa ang pagtaas ng tubig dahil sa buhos ng ulan. Victor Martin

Show comments