Nene dedo sa nilarong shotgun

CAMARINES NORTE, Philippines – Nagwakas ang kinabu­kasan ng isang 6-anyos na nene makaraang pumutok ang shotgun na kanyang pinaglaruan kamakalawa ng hapon sa Purok 3, Ba­rangay Malangcao-Basud sa bayan ng Labo, Cama­rines Norte.

Halos mawasak ang mukha at idineklarang pa­tay sa ospital si Joyce Ann Mitas habang pinaghahanap na­man ng pulisya ang ti­yuhin ng biktima na may-ari ng home­made shotgun na si Joel Oresca, 40.

Lumitaw sa imbesti­gas­yon ni SPO4 Emir Joseph Valeros, na naglalaro ang biktima sa loob ng bahay ng kanyang tiyuhin nang ma­pansin nito ang shotgun na nakapatong sa mesa.

Sa pag-aakalang la­ruan ay sinilip ng biktima ang pi­ na­kadulo ng butas ng shotgun subalit sa ‘di-inaasa­hang pagkakataon ay naka­labit nito ang ga­tilyo kaya pu­mutok mismo sa mata.

Matapos na malaman ng tiyuhin na sinasabing nasa tindahan na may ilang metro lamang layo sa kan­yang bahay ay agad na tu­makas.

Inihahanda na ang ka­u­ku­lang kaso laban kay Ores­ca na sinasabing may-ari ng homemade shotgun.

Show comments