Trak vs trike: 2 utas, 2 grabe

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City , Philippines  – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang malub­hang nasugatan makaraang salpukin ng trak ang likurang bahagi ng traysikel na sinasakyan ng una kamakalawa sa Andaya Highway sa Barangay Tara sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur.

Kabilang sa mga napatay ay sina Ronel Espiritu, 23, drayber ng trike; at Joson Budoy, 23, saman­ta­lang malubha naman sina Simeon Budoy, 74 at Julito Budoy, 51, pawang mga nakatira sa Barangay Manangle.

Naaresto naman ang drayber ng trak (RHT 283) na si Florante Tejano, 28, ng Barangay Abbey, Alcala, Cagayan Valley. Napag-ala­mang patungo sa sementeryo ang mga biktima para dalawin ang puntod ng kanilang mahal sa buhay. Ed Casulla

Show comments