Turismo sa Baguio namayagpag uli
BAGUIO CITY, Philippines – Muling sumigla ang turismo sa Baguio City kung saan unti-unti ang pagdagsa ng bakasyunista matapos manalasa ang magkasunod na bagyo na nagresulta sa pagkawasak ng mga kalsada.
Sa tala ng Hotels and Restaurants Association of Baguio, umakyat na sa 60 porsiyento ang booking sa mga hotel at inns kumpara noong nakalipas na linggo kung saan zero occupancy ang mga hotel.
Dumagsa na rin ang turista simula pa noong Biyernes dahil sa tatlong araw na holiday na simulan ang All Souls and Saints Day na magtatapos ngayon.
“We are slowly inching our way up, as vehicular traffic as early as Thursday began to pile up especially along major streets in Baguio,” pahayag ni Anthony de Leon, chairman ng hoteliers group.
Napag-alaman din na nagsimulang magbigay ng discount ang iba’t ibang establisamento para maiangkat muli ang turismo sa nabanggit na lungsod.
Plano ng Baguio Tourism Council na magbigay ng diskuwento ang lahat ng establisamento na tatagal ng 60-araw.
Kasunod nito, nakahanda na ang iba’t ibang aktibidades para sa turismo tulad ng WOW Philippines sa buwang kasalukuyan at Christmas sa Baguio sa Disyembre kung saan magbabakasyon ang First Family. Artemio Dumlao
- Latest
- Trending