^

Probinsiya

Mag-ama nilamon ng ilog

-

BATANGAS CITY , Philippines  – Nawawala pa rin ang isang 40-anyos na seaman at ang kanyang 3-anyos na anak matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog nang mahulog ang kani­lang kotse sa nawasak na tulay sa Batangas City, Batangas habang nana­lasa ang bagyong Santi kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director, ang mag-amang sina Ro­mulo Soriano, isang overseas contract worker (seaman) at ang anak nitong si Nicolo na kapwa nakatira sa Barangay Sampaga, Batangas City.

Gayon pa man, nailigtas naman ang asawa ni Ro­mulo na si Malou, 39, ka­wani ng Batangas Health Office at kasalukuyang nagpapagaling sa St. Pa­trick Hospital dahil sa tina­mong mga galos.

Napag-alamang papa­uwi na ang pamilya So­riano lulan ng Honda Civic (MLR-888) at tumatawid sa Bridge of Promise sa pa­gitan ng Barangay Kumin­tang Ibaba at Barangay Gulod Labac nang bumi­gay ang sementadong tu­lay bandang alas-7:30 ng umaga.

Tuluy-tuloy nang nahu­log ang pamilya Soriano sa rumaragasang tubig ng Kalumpang River kung saang nagawang maka­labas ng kotse si Malou at nagpaagos na lang sa malakas na agos ng tubig sa ilog.

Ilang oras pa, natag­puan namang palutang lutang si Malou sa may Barangay Malitam habang nakakapit sa kapirasong kahoy at masagip naman ni Tarasani Baltapa.

Mabilis namang nagsa­gawa ng search and rescue operation ang mga elemento ng Batangas Coast Guard sa pangu­nguna ni Lt. Commander Troy Cornelio, para masa­gip ang mag-amang So­riano.

Samantala, umabot na sa 685-katao ang na-stran­ded sa Batangas Port, 720 naman sa Calapan Port; at 90 pasahero naman sa Roxas Port. Dagdag ulat ni Ricky Tulipat

vuukle comment

BARANGAY GULOD LABAC

BARANGAY KUMIN

BARANGAY MALITAM

BARANGAY SAMPAGA

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS COAST GUARD

BATANGAS HEALTH OFFICE

MALOU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with