MANILA, Philippines - Dahil sa hirap na nararanasan sa kabundukan, dalawang kasapi ng New People’s Army ang sumuko sa pamahalaan sa Sto. Niño, Cagayan, kamakalawa.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga rebelde na sina Marcial Lazo, alyas Ka Jaz, 19; at Alfredo Infante alyas Ka Alvin, 27, mga residente ng Barangay Centro Norte sa naturang bayan.
Sinasabing sumuko umano ang dalawa matapos ang pakikipag-negosasyon na pinamunuan ng nina Sto. Niño Mayor Andrew Vincent Pagurayan, Police Insp. Rodel Tabulog, hepe ng PNP Sto. Niño at Brgy. Capt. Samuel Fernando ng Centro Norte.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay na-recruit ng mga NPA noong Agosto 31, 2009 at napilitang sumuko dahil sa hirap ng buhay na kanilang dinanas sa kabundukan. (Ricky Tulipat)