^

Probinsiya

2 NPA sumuko

-

MANILA, Philippines - Dahil sa hirap na nararanasan sa kabundukan, dalawang kasapi ng New People’s Army ang sumuko sa pamahalaan sa Sto. Niño, Cagayan, kamakalawa.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga rebelde na sina Mar­cial Lazo, alyas Ka Jaz, 19; at Alfredo Infante alyas Ka Alvin, 27, mga residente ng Barangay Centro Norte sa naturang bayan.

Sinasabing sumuko umano ang dalawa matapos ang paki­ki­pag-negosasyon na pinamunuan ng nina Sto. Niño Mayor Andrew Vincent Pagurayan, Police Insp. Rodel Tabulog, hepe ng PNP Sto. Niño at Brgy. Capt. Samuel Fernando ng Centro Norte.

Ayon sa pulisya, ang dalawa ay na-recruit ng mga NPA noong Agosto 31, 2009 at napilitang sumuko dahil sa hirap ng buhay na kanilang dinanas sa kabundukan. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALFREDO INFANTE

BARANGAY CENTRO NORTE

CENTRO NORTE

KA ALVIN

KA JAZ

MAYOR ANDREW VINCENT PAGURAYAN

NEW PEOPLE

POLICE INSP

RICKY TULIPAT

RODEL TABULOG

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with