Fish Cemetery sa Dagupan City
DAGUPAN CITY, Philippines — Naging pangunahing atraksyon ang itinayong sementeryo para sa mga isda kung saan kauna-unahang libingan ng mga laman-dagat na nasa loob ng compound ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources research center sa Barangay Bonuan Binloc sa Dagupan City, Pangasinan.
Sinabi ni Dr. Westly Rosario, hepe ng research center, na aabot sa 15 laman-dagat kabilang ang tatlong balyena, 11 dolphin at isang giant sea turtle ang nakalibing sa Fish Cemetery kung saan huling inilibing ang tatlong-toneladang Minke Whale na pinangalanang Roxanne noong Disyembre 31, 2008.
Idinagdag pa ni Rosario na magtatayo ng gazebo sa tabi ng sementeryo kung saan lalagyan ng mga larawan at detalye ng mga laman-dagat.
Ang mga nakalibing sa sementeryo ay ilan sa mga nakalagay sa marine species sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora.
Idiniin pa ni Rosario na ang paglilibing sa mga protected fish species ay upang ipabatid na ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng karne nito ay krimen at hindi kinukunsinti ng pamahalaan.Cesar Ramirez
- Latest
- Trending