Aksidenteng nabaril sa mukha... bata dedo sa 10-anyos utol
ILOILO CITY, Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 4-anyos na batang babae makaraang aksidenteng mabaril sa mukha ng kanyang utol na lalaki sa Barangay Anuang sa bayan ng Cabatuan, Iloilo kamakalawa ng umaga.
Kasalukuyang nasa custody ng local social welfare office ang 10-anyos na suspek na itinago sa pangalang Intoy kung saan sumasailalim sa psychological debriefing.
Base sa ulat ni PO3 Lope Ricaforte, lumilitaw na naghahanap ng ballpen ang 10-anyos na suspek nang maispatan niya ang bag na nakasabit sa dingding ng kanilang tahanan.
Inilapag ng suspek ang bag para maghanap ng ballpen subalit nakita nito ang homemade firearm na inakalang laruan.
Gayon pa man, dahil sa pag-uusisa sa hawak na baril ay tinawag nito ang kanyang utol na babae saka itinutok sa mukha subalit sa pag-aakalang laruan ay biglang pumutok at duguang bumulagta ang biktima.
Naisugod pa sa Ramon Tabiana Memorial Hospital ang biktima subalit idineklarang patay ng mga doktor.
Kasalukuyang wala naman ang mga magulang ng mag-utol at nasa trabaho
Walang naman impormasyon ang pulisya kung kanino ang baril subalit may teorya na ang pag-aari ng ama ng biktima.
Hindi naman malinaw sa ulat kung kakasuhan ang may-ari ng baril na walang kaukulang papeles.
- Latest
- Trending