Ex-councilor nilikida

MANILA, Philippines - Isang dating barangay councilor na sinasabing may planong kumandidato sa pagka-konsehal sa 2010 elections ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng maskaradong kalalakihan sa harap ng pampublikong palengke ng Barangay G. Redor sa bayan ng Sta. Maria, Laguna kaha­pon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Fausto Perez, 49, ng Brgy. Coralan.

Napag-alamang kahahatid la­mang ng biktima sa kanyang anak sa paaralan nang lapitan at pagbabarilin. Ricky Tulipat

Show comments