Pulis, nailigtas ng agimat

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Isang alagad ng batas na sina­sabing nagtataglay ng agimat ang nakaligtas sa apat na tama ng bala ng baril sa dibdib kamakalawa ng gabi sa Barangay Pobla­cion sa bayan ng Kabacan, North Co­tabato.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa Kidapawan City si SPO2 Marcelino Bautista, in-charge sa communications ng Kabacan PNP. Base sa police report, si SPO2 Bautista ay nag-aayos sa pag-aaring tindahan sa loob ng palengke nang lapitan at ratratin ng ’di-pa kilalang lalaki.

Sa kabila ng dami ng tama ng bala na tinamo, himalang nakaligtas ang biktima na pina­nini­walaang may agimat laban sa mga bala ng baril. Malu Manar

Show comments