2 'tulak' dakma sa drug bust

BATANGA, Philippines – Dalawang kalalakihan na sinasabing no­toryus drug pusher ang na­aresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang drug bust operation sa bisinidad ng Barangay Maligaya sa bayan ng Lemery kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ni P/Chief Inspector Chris Abrajano ng PDEA Region 4-A chief ang mga suspek na sina  Arnold De “Banker” Silva at Ernesto V. Lo, III. Armado ng search warrant na inisyu ni  Judge Eduardo Pe­ralta ng Manila Regional Trial Court, Branch 17, ni-raid ng pi­nag­sanib na elemento ng PDEA, Ba­tangas police at ng Regio­nal Mobile Group ang bahay ng mga suspek bandang alas-7 ng umaga. Samantala, anim-katao na­man ang inimbitahan ng mga awtoridad na suma­ila­lim sa drug test matapos ma­tiyem­puhan nasa drug den.  Aabot naman sa10 gramo ng shabu na nakalagay sa sachet at mga drug paraphernalia ang nakumpiska sa mga suspek na sinasabing responsable sa pagkalat ng bawal na droga sa Lemery, Calaca at bayan ng Taal. Arnell Ozaeta

Show comments