Sutil na anak pinagtataga ng ama
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang anak na lalaki makaraang pagtatagain ng kanyang ama kamakalawa ng gabi sa Barangay Canapawan, sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Naputol ang kanang kamay at nagkasugat-sugat ang leeg ni Domingo Delos Santos na naisugod naman sa Talobatib District Hospital.
Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Carlos Delos Santos Sr. Lumilitaw na kapwa lango sa alak ang mag-ama nang magkasigawan kung saan pinayapa ng barangay tanod na si Naldy Rosas. Subalit makalipas ang ilang minuto ay binalikan ng suspek ang sariling anak na sinasabing sutil at isinagawa ang krimen. Ed Casulla
- Latest
- Trending