BULACAN , Philippines – Naghasik na naman ng karahasan ang mga armadong kalalakihan na sinasabing mga rebeldeng New People’s Army makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 53-anyos na intelligent officer ng pulisya sa bisinidad ng Barangay Guyong sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si SPO2 Aquilino Malitan, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayang nabanggit. Napag-alamang papauwi na ang biktima sakay ng owner-type jeep (CLP 620) nang harangin at ratratin ng motorcycle-riding assassin. Dahil dito nagtuluy-tuloy na sumalpok sa poste ng kuryente ang sasakyan ng biktima. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. Boy Cruz