^

Probinsiya

18-anyos na maid ni-rape ng pulis

-

MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa ser­bisyo at makulong ang isang alagad ng batas ma­karaang ireklamo ng kan­yang katulong na babae ng kasong panghahalay sa magkakahiwalay na insi­dente sa bayan ng San Fer­nando, La Union, ayon sa ulat kahapon.

Pormal na kinasuhan sa prosecutor’s office ang sus­pek na si PO3 Villamor Alew Laya ng La Union Police Mobile Group sa nabanggit na bayan.

Si PO3 Laya ay inaku­sahan ng kanilang katulong na babae na itinago sa pa­ngalang Sandra, 18, ma­tapos dumulog ang biktima sa himpilan ng pulisya noong Hu­we­bes upang magsampa ng rek­lamo.

Base sa sinumpaang affidavit ni Sandra, naga­nap ang unang insidente noong Agosto 2009 sa Go-Inn Motel sa bayan ng San Fernando.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na dinala ang biktima sa motel bago isinagawa ang maitim na balak kung saan pinag­bantaan pa ng suspek na manahimik na lamang.

Samantala, naganap na­­man ang ikalawang pang­haha­lay noong Setyembre 2009 sa loob ng palikuran sa bahay ng suspek matapos siya nitong hilahin sa loob.

Maliban dito ay mino­lestiya rin ang biktima noong Ok­tubre 19 ng uma­ga sa loob ng kanyang ku­warto. Joy Cantos

vuukle comment

AGOSTO

CAMP CRAME

GO-INN MOTEL

JOY CANTOS

LA UNION

LA UNION POLICE MOBILE GROUP

SAN FER

SAN FERNANDO

SHY

VILLAMOR ALEW LAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with