Mag-asawang matanda natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-asa­wang matanda makaraang makulong sa loob ng na­susunog nilang tahanan sa Barangay Sangi Pajo, Lapu-Lapu City kahapon ng madaling-araw.

Nagmistulang uling ang bangkay nina  Eugenia at Paulo Patalinghog.

Sa sketchy report ng pu­lisya na nakarating ka­hapon sa Camp Crame, nabatid  bandang alas-2 ng madaling-araw nang mag­simulang kumalat ang apoy habang mahimbing na na­tutulog ang mag-asawang matanda sa loob ng kani­lang tahanan.

Naalimpungatan na lamang ang mag-asawa matapos na magliyab ang kanilang kuwarto kung saan bagaman nakasigaw pa at humihingi ng saklolo sa kanilang mga kapit­bahay ay nabigong ma­apula ang apoy dahil na­susunog na ang buong kabahayan.

Nabatid na walang ka­sama sa tahanan ang mag-asawang matanda  nang magliyab ang buong ka­bahayan kung saan na­sunog din ang kanilang sasakyan na nakaparada sa likurang bahagi.

Kaugnay naman nito, patuloy naman ang imbesti­gasyon ng Bureau of Fire Pro­tection upang alamin ang pi­ nagmula ng apoy kung saan sinasabing milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

Show comments