MANILA, Philippines - Isa na namang tulay ang pinasabog ng mga bandidong Abu Sayyaf sa panibagong paghahasik ng terorismo sa lalawigan ng Sulu nitong Huwebes ng gabi.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Min danao Command Spokesman Maj. David Hontiveros, pasado alas-11:00 kamakalawa ng gabi nang sumabog ang itinanim na Improvised Explosive Device ng mga bandido sa Tangan-Tangan bridge sa bahagi ng Barangay Taung, Patikul, Sulu.
Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente subalit halos kalahating bahagi ng tulay ang nawasak sa insidente.
Noong Sabado, pinasabog ng mga terorista ang Lagtoh bridge sa Indanan, Sulu. (Joy Cantos)