Kidnaper binalikan

MANILA, Philippines - Pansamantala lang ang pagpapalaya sa dalawa sa pitong empleyado ng Department of Environment and Natural Resources dahil bumalik din sila sa balwarte ng mga kidnaper makaraang maihatid nila ang mensahe ng mga ito sa mga awtoridad.

Ito ang nilinaw kahapon ni Police Region Office 13 Director Chief Superintendent Lino Calingasan bi­lang reaksyon sa napaulat na pinalaya ng mga kidnapper na katutubong Lu­mad ang dalawa sa mga bihag na sina Emiliano Ga­tillo Jr. at Efren Sabuero bandang alas-5:00 ng ha­pon kamakalawa.

Ang mga ito ay pinaka­walan sa pagitan ng hang­ganan ng Kolambugan, Si­bagat at Barangay Tag­kilong sa lungsod ng Bu­tuan.

Sinabi ni Calingasan na ginawa lang courier ng mga kidnapper ang dalawa para maiparating ang demand ng mga ito sa mga awtoridad.

Makaraang maihatid ang mga demands, buma­lik sina Gatillo at Sabuero sa pinagkakakutaan ng mga kindapper dahil nag­banta ang mga ito na pa­patayin ng mga ito ang li­mang naiwang bihag ka­pag hindi sila bumalik.

Kabilang sa hinihiling ng mga kidnapper kapalit ng ka­layaan ng mga bihag ang selective implementation ng kampanya laban sa illegal logging at pagka­kaloob ng saligang ser­bisyo at trabaho sa mga katutubo.

Ang pitong field personnel ng DENR ay dinukot noong Miyerkules ng uma­ga ng mga armadong kala­lakihan habang nag­sasa­ga­wa ng inspeksyon sa Ba­rangay Anticala sa Butuan City.

Show comments