Shootout: Katiwala dedo sa pulis
BULACAN, Philippines — Napatay sa pakikipagbarilan ang katiwala ng barangay chairman makaraang salakayin ng pulisya ang pitong kabahayan sa paghahanap ng malalakas na kalibre ng baril kahapon ng madaling-araw sa Barangay Labne sa San Miguel, Bulacan. Kinilala ang nasawi na si Ronald Dela Cruz, caretaker sa bahay ni Chairman Gener Lopez, pangulo ng Association of Barangay Captains sa nasabing bayan.
Ang pagsalakay sa pitong kabahayan kabilang na ang bahay ni Chairman Lopez ay ayon sa search warrant na inisyu ni Judge Ramon Pamolar ng Guimba Regional Trial Court Branch 32 sa Nueva Ecija. Ayon naman kay Lopez na may bahid pulitika ang isinagawang pagsalakay ng pulisya sa kanyang bahay kung saan isang anak ng opisyal ng pulisya sa central Luzon ang kakandidatong alkalde sa nabanggit na bayan. Dino Balabo
- Latest
- Trending