^

Probinsiya

P2-M ransom sa kinidnap na principal

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Humihingi ng P2 mil­yong ransom ang mga bandidong Abu Sayyaf Group kapalit ng kalayaan ng principal ng pam­publi­kong eskuwelahan sa ele­mentarya sa Sulu.

Ayon kay P/Supt. Danilo Bacas, PNP-ARMM spokes­man, sinabi nito na kasalu­kuyan nilang inaalam ang impormasyon hinggil sa sinasabing paghingi ng mga kidnaper ng P2 milyon sa pamilya ng bihag na si Gabriel Canizares.

Samantala, nanindigan naman si P/Chief Supt. Paisal Umpa, regional director na mahigpit nilang ini­implementa ang no ransom policy ng gobyerno.

Batay sa ulat ng Joint Task Force Comet ng AFP, si Canizares ay dinukot ng grupo nina Abu Sayyaf sub-commander Amlum Abdun at Juhurin Hussin sa ilalim ng liderato ni Abu Sayyaf Commander Ra­dulan Sahiron na may pa­tong sa ulong P10 milyon.

Gayon pa man, patuloy din ang koordinasyon ng Sulu Provincial Police Office at ng Joint Task Force Comet kaugnay ng isinasa­gawang search and rescue operation.

Sinasabing may mala­lim na layunin ang grupo ng Abu Sayyaf kaya dinu­kot si Canizares dahil ta­nging ito lamang ang bini­hag at iniwan ang ibang guro.

 “Sa kinidnap na principal, we are trying to get in­formations. So, it’s not just simple abduction dahil dun sa nakitang circums­tances na siya lang pi­nuntirya there are deeper,” pahayag ni Lt. Col. Romeo Brawner ng AFP public affair office.

Si Canizares, 39, ng Ka­nague Elementary School sa Patikul, Sulu ay dinu­ kot ng mga bandido ha­bang lulan ng pampa­saherong jeepney noong Oktubre 12.

Nabatid na tanging si Canizares lamang ang tinangay ng mga kidnaper sa grupo ng mga guro na sakay ng pampasaherong jeepney.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER RA

ABU SAYYAF GROUP

AMLUM ABDUN

CANIZARES

CHIEF SUPT

DANILO BACAS

JOINT TASK FORCE COMET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with