Bangkay sa poso negro

CAVITE, Philippines — Isang bangkay ng lalaki na sinasabing ibinaon sa poso negro ang nadiskubre kahapon ng umaga sa Barangay Luzviminda 1 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite. Base sa police report. Natagpuan ang bangkay ng ‘di-pa kilalang lalaki matapos ipagawa ni Natividad Lloren ang bagong bahay na sinasabing nabili nito sa naunang may-ari na si Danilo Tubo noong Hulyo 2009. Napag-alamang nagbara ang poso negro kaya ipinagawa ni Lloren kung saan natagpuan ang naagnas na bangkay ng lalaki. Cristina Timbang

Show comments