Rookie cop itinumba ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Nagwakas ang serbiyo sa publiko ng isang bagitong pulis makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan na sinasabing miyembro ng New People’s Army kahapon ng madaling-araw sa Barangay San Rafael, Guinobatan, Albay. Nakilala ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ay si PO1 Marlon Loria, nasa hustong gulang, at nakatalaga sa Guinobatan MPS at residente ng naturang lugar. Sa police report, lumilitaw na patungong himpilan ng pulisya si PO1 Marlon Loria nang lapitan at ratratin ng nakamotorsiklong kalalakihan. Ed Casulla

Show comments