^

Probinsiya

Kampanya vs iligal na minahan inilunsad

-

MONTALBAN, Rizal, Philippines — Ser­­yoso ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal na sugpuin ang iligal na pag­mi­mina kung saan sinimulang pun­tiryahin ang mga negos­yan­teng nagmimina at nag­be­benta ng natural mineral sa nabanggit na bayan.

Dahil sa mahigpit na ka­utu­san ni Rizal Governor Jun Ynares III kay Engr. Ro­berto Estrada ng Provincial Mining Regulatory Board, naaresto at kinasuhan ang heavy equipment operator na si Julius Mol­des na naaktuhang ng illegal mining sa bisinidad ng Don Mariano Ext. Road sa Ba­rangay San Jose, Montalban, Rizal.

Kasama rin sa kinasuhan na sinasabing lumabag sa ilalim ng Section 103 ng Republic Act 7942 (Phil. Mining Act of 1995) ay ang sina Po­poy Rodriguez, Bhona Agon­­cillo at Roy Sungcuan.

Ayon sa ulat, si Agon­cillo ay sinasabing nakata­kas habang si Sungcuan na­man ay pinalaya mata­pos na ma-impound ang kanyang truck na mina­maneho.

Samantala, inatasan na ni Governor Ynares ang hepe ng pulisya sa Montal­ban na si P/Supt. Ruel Va­caro na ma­susing imbesti­ga­han ang dalawang pulis na pinanini­walaang res­pon­sable sa pagtakas ni Agon­cillo.

Gayon pa man, na­nga­ngamba ang mga negos­yan­teng may legal na pag­mimina sa plano ni Gob. Ynares na magpalabas ng  exe­­cutive order na nagsu­suspinde sa lahat ng small-scale mining and quarry permits na inisyu ng probinsya.

vuukle comment

BHONA AGON

DON MARIANO EXT

GOVERNOR YNARES

JULIUS MOL

MINING ACT

PROVINCIAL MINING REGULATORY BOARD

REPUBLIC ACT

RIZAL

RIZAL GOVERNOR JUN YNARES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with