Away-trapiko: 2-katao todas

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na napatay matapos pagbabarilin ng isang lalaki dahil sa away-trapiko kamakalawa sa Barangay Buenaventura sa Santiago City, Isabela. Kinilala ang mga napaslang na sina Rommel Estuesta at Ramon Giring habang ang isa pang kasamahan na si George dela Cruz ay sugatan. Kinilala naman ang suspek na si Eugene Bra­ga ng Centro West, Santiago City na unang nakasagutan ng mga biktima dahil sa away-trapiko na nagresulta sa pamamaril. Sa ulat ni P/Senior Inspector Melchor Arreola ng Police Precinct Com­munity 2, lumalabas na nasalpok ng motorsiklo ng suspek ang motorsiklo ng mga biktima. Dahil dito, nagtalo ang dalawang grupo hanggang sa maganap ang krimen. Dinala rin ang suspek sa ospital dahil sa sugat na sanhi ng aksidente habang ang kasama­han nitong driver ay tumakas matapos ang insidente.Victor Martin

Show comments