Principal kinidnap ng Abu
MANILA, Philippines - Patuloy sa paghahasik ng terorismo ang mga bandidong Abu Sayyaf Group makaraang dukutin ang isang principal sa elementary school kamaka lawa ng hapon sa bayan ng Patikul, Sulu.
Naglunsad na ng malawakang rescue operation ang mga awtoridad para mailigtas si Gabriel “Bong “Canizares, 36, ng Lower San Raymundo, Jolo, Sulu.
Ayon kay Army regional spokesman Major David Hontiveros, kinidnap ang biktima sa bisinidad ng KM 7, Barangay Tanum bandang alas-4:20 ng hapon.
Si Canizares na punong-guro sa Kanague Elementary School sa Patikul ay lulan ng pampasaherong jeepney pa balik ng Jolo kasama ang kaibigang guro nang harangin at pababain sa sasakyan ng 12 armadong bandido.
Walang nagawa ang bik tima matapos na tutukan ng baril at sapilitang kaladkarin ng mga armadong bandido kung saan naiwan ang kaibigang guro na sinasabing hindi naman sinaktan.
Walang pang demand ransom sa pamilya ng grupo ang na momonitor ng mga awtoridad.
- Latest
- Trending