^

Probinsiya

Killer ng newsman dedo sa pulis

-

BATANGAS CITY , Philippines  – Napatay ng pulis ang isang lalaki na sinasabing newsman killer matapos mang-agaw ng baril sa kanyang escort habang sakay ng police mobile car kahapon ng hapon sa Batangas City, Batangas.

Kinilala ni P/Supt. Cosme Abrenica, hepe ng Bauan police, ang napaslang na si Michael Garcia ng San Isidro, Nueva Ecija, at suspek sa pagpatay kay Arnel Manalo, correspondent ng tabloid na Bulgar at dzRH.

Napag-alamang sakay ng patrol car si Garcia kasama sina PO2 Jose Agena, PO2 Efren Camo at SPO3 Afredo Acuzar patungong Batangas Provincial Jail nang agawin ang baril ni PO2 Camo kung saan kaagad naman binaril ni PO2 Agena.

 “ It’s very unfortunate that this incident happened, buti na lang at alerto ang mga tauhan ko, kung hindi baka may napatay din sa mga tao ko,” ani Abrenica

Sasailalim din sa imbesti­gasyon ang kanyang mga ta­ uhan para maalis ang agam-agam kung may naganap ng foul play.

Ayon sa ulat, naaresto si Garcia sa Kataingan, Mas­ bate noong October 14 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Teodoro Tapia Riel ng Batangas Regional Trial Court Branch 7.

Nai-turnover naman ng Masbate police si Garcia sa Bauan police para mai-commit naman sa Batangas Hall of Justice at ikulong sa Batangas Provincial jail nang maganap ang insidente.

Base sa record ng pu­lisya, binaril at napatay si Manalo ng dalawang suspek na sakay motorsiklo sa Ba­rangay Mang­hinao, Bauan, Batangas noong August 5, 2004. Arnell Ozaeta

AFREDO ACUZAR

ARNEL MANALO

ARNELL OZAETA

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS HALL OF JUSTICE

BATANGAS PROVINCIAL

BATANGAS PROVINCIAL JAIL

BAUAN

GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with