Pamilya tinangkang katayin

LEGAZPI CITY , Philippines — Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 55-anyos na mister ng kanyang malapit na kamag-anak habang sugatan naman ang kanyang misis, anak at biyenang lalaki sa naganap na karahasan kamakalawa ng hapon sa Sitio Torog-Torog, Barangay Bautista sa bayan ng Jovellar, Albay. 

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Alfredo Panarigan samantalang naisugod naman sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga sugatang sina Ze­naida Panarigan, Freddie Panarigan, 4; at ang biyenang si Ruben Narito. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Fernando Narito na sinasabing may matagal nang galit sa pamilya ng biktima.

Napag-alamang bitbit ng suspek ang matalim na itak saka isinagawa ang krimen sa loob ng bahay ng mga biktima. Ed Casulla

Show comments