^

Probinsiya

Kinidnap na pari inilipat ng kuta

-

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang naili­pat na ng mga kidnaper ang bihag na si Italian priest Fr. Michael Sinnot na dinukot sa Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Linggo ng gabi (Oktubre 11).

Ito ang nabatid kahapon sa isang mataas na opisyal ng militar na tumangging magpabanggit ng pangalan kung saan kinukumpirma pa ng security forces.

 “Meron ulat na nasa Ba­silan na,” anang opisyal pero hindi naman nito ina­alis ang posibilidad na hindi pa rin nakakalayo sa Zam­boanga Peninsula ang mga kidnaper na kasama si Fr. Sinnot

Kasabay nito, tiniyak naman ng hepe ng AFP-Public Affairs Office na si Lt. Col .Romeo Brawner Jr., na nag-iingat sila sa isi­isinasagawang operasyon para matiyak ang kaligta­san ng bihag.

Nabatid na umapela na ng tulong ang Columban Mis­sionaries kay US President Barack Obama sa pa­mamagitan ni US Sec of State Hillary Clinton na na­niniwalang malaking tulong ang magagawa ng Obama administration sa pagpa­palaya ng nabanggit na pari.

Bagama’t tukoy na ang gru­pong responsable sa pag­dukot kay Fr. Sinnot kung saan sinimulan na ng militar ang dragnet operation ay nag-iingat ang militar sa seguridad ng bihag. Joy Cantos

COLUMBAN MIS

JOY CANTOS

MICHAEL SINNOT

PAGADIAN CITY

PRESIDENT BARACK OBAMA

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

ROMEO BRAWNER JR.

SEC OF STATE HILLARY CLINTON

SHY

SINNOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with