Tulay sa Sulu pinasabog
MANILA, Philippines - Nagsimulang maghasik ng kaguluhan ang mga rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) breakaway group makaraang pasabugin ang tulay sa bayan ng Talipao, Sulu kahapon ng madaling-araw. Tinukoy naman ni P/ Chief Supt. Bensali Jabarani ng PRO-ARMM na ang grupo ng MNLF breakaway group nina Nidzmi Bolkiah Jabbar, Saidin Bolkiah Jabbar at Rading Guiam ang nasa likod ng pagpapasabog ng Sumanang Bridge sa Barangay Lagtoh, base sa impormasyon nakalap ng mga residente. Nagresponde naman sa lugar ang mga elemento ng Talipao Municipal Police Station na nakabarilan pa ng mga pulis-Talipao ang mga rebeldeng bago nakatakas. Joy Cantos
- Latest
- Trending