Killer ng newsman arestado

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang sinasabing ika-9 na most wanted person at killer ng newsman sa isinagawang operasyon sa Barangay Poblacion Cataingan, Masbate kamaka­lawa ng umaga. Ang suspek na barangay tanod at may kasong murder sa Batangas kung saan may patong sa ulo na P.150 milyon ay nakilalang si Mark Anthony Garcia, 36, na gu­magamit ng mga alyas na Michael Garcia at Mike Aguilar, tubong Barangay San isidro, Nueva Ecija, pansamantalang nakatira sa naturang lugar. Dahil sa impormasyon natanggap ng mga tauhan ni P/Senior Insp. Eusebio Estopare, sinalakay ang pinagkukutaan ni Garcia. Ed Casulla

Show comments