10 katao tiklo sa shabu den

MANILA, Philippines - May 10 katao ang nasa­ko­te ng pinagsanib na ele­mento ng Special Operations Task Force at ng Anti-Illegal Drug Special Opera­tions Task Group ng pulisya sa pagsa­lakay sa isang shabu drug den sa Bacolod City kamaka­lawa ng gabi.

Sa nasabing operasyon, bandang alas-7:00 ng gabi sa Purok Kagaykay, Ba­rangay 2, Bacolod City, nadakip ang itinuturong maintainer ng drug den na si Dalin Antiporda, 42 anyos.

Kabilang pa sa mga na­sakote ay ang mga kataong nasa bisinidad ng lugar na natiyempuhan sa drug den na sina Louie Lim, Raul Rona; pawang mga call center agents.

Ang iba pa ay sina Liezl Largo, 19; Jomar Villar, 19; John Medel, Joebert dela Cruz, Celeste Panaligan, Raffy Beltran, 34-anyos at isang 16-anyos na estud­yante sa isang eskuwela­hang Katoliko na naaktuhan sa pot session.

Nasamsam naman mula sa mga ito ang tatlong sachets ng shabu, P7,800 cash, Nissan March vehicle, solvent at iba pa. (Joy Cantos)

Show comments