MANILA, Philippines - Aabot sa libu-libong halaga ng ari-arian ang napinsala makaraang pasabugin ang cell site ng Smart Telecoms ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Indanan, Sulu noong Miyerkules ng gabi. Naapektuhan naman ang libu-libong subscriber ng Smart Telecoms sa nasabing lalawigan. Pinaniniwalaan namang extortion ang isa sa motibo ng pagpapasabog. Magugunita na pinasabog din ng mga bandidong Abu Sayyaf ang tulay sa Brgy. Talatak sa patuloy na paghahasik ng terorismo sa Western Mindanao. Joy Cantos