MANILA, Philippines - Tatlong armadong kalalakihan na sinasabing mga bandidong Abu Sayyaf ang iniulat na napaslang habang limang sundalo naman ang nasugatan sa naganap na panibagong sagupan sa liblib na bahagi ng Barangay Masjid Bayle sa bayan ng Kalingalang Kaluang, Sulu kamakalawa ng hapon. Ayon kay Army’s regional spokesman na si Major David Hontiveros ay inaalam pa ng joint Task Force Comet kung kaninong grupo sa hanay ng mga bandido ang kanilang nakasagupa. Joy Cantos