Kinidnap na kawani ng MSU pinalaya na

MANILA, Philippines - Pinalaya na rin ang di­nukot na kawani ng Min­da­nao State University noong Miyerkules ng umaga sa bisinidad ng Saguiran, Lanao del Sur.

Ang pagpapalaya kay Felix Gayan, 54, ng Marawi City ay matapos ang ne­gosasyon ni ex-Mayor Casan Galman Capal sa grupo ng mga kidnaper na sinasabing walang ibinigay na halaga bilang ransom.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Paisal Umpa, regional director ng Autonomous Region  ng Muslim Mindanao, si Gayan ay kinidnap no­ong Oktubre 10.

Ang mag-ina ni Gayan na sina Editha, 48; at Les­ter Ray, 17, ay naunang pi­na­walan ng mga kidnaper sa kahabaan ng highway sa Brgy. Poblacion, Sa­guiran, Lanao del Sur. 

Lumilitaw naman sa im­bestigasyon na napagka­malan ng mga kidnaper na ang kanilang target na City Engineer ng Marawi City ang kanilang dinukot.

Isinasailalim na sa debriefing sa himpilan ng Army’s 103rd Brigade sa Kampo Ranao, Marawi City ang pinalayang biktima. Joy Cantos

Show comments