MILF pumalag sa paratang

MANILA, Philippines - Umalma kahapon ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay ng pahayag ng militar na isa nilang commander ang sangkot sa pagbihag kay Irish missionary priest Michael Sinnot noong Oktubre 11 sa Pa­gadian City, Zamboanga del Sur. Sa phone interview, tahasang sinabi ni MILF spokesman Eid Kabalu na walang kinalaman si MILF Commander Latip sa insidente. Ang pagpalag ay ginawa ni Kabalu kaugnay ng pahayag ni Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino na tatlong beses na naispatan ng Philippine Air Force at ng kanilang intelligence operatives si Fr. Sinnot habang kinakaladkad ng mga kidnaper sa kampo ng MILF renegades sa Lanao del Norte at Lanao del Sur. Joy Cantos

Show comments