NUEVA ECIJA, Philippines – Dalawang security guard ng National Irrigation Administration ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng mga maskaradong kalalakihan sa loob ng compound ng NIA sa Muñoz City, Nueva Ecija. Kapwa sapol sa ulo sina Raul Villareal ng Barangay Poblacion East; at Ismael Macasling Jr. ng Villa Isidra, Barangay Bantug. Patuloy naman ang imbestigasyon. Christian Ryan Sta. Ana