22 barangay lubog pa rin

MANILA, Philippines - Nanatiling lubog pa sa tubig-baha ang 22 barangay sa apat na bayan na nasasakupan ng Pangasinan, ayon sa ulat ng National Disaster Coordinating Council kahapon. Ayon kay NDCC Executive Director Glenn Rabonza, kabilang ang 3 barangay sa bayan ng Aguilar, 5 sa Basista, 6 sa bayan ng Bautista, 5 sa Urbiztondo at  3 brgy. naman sa Dagupan City. Ang malawakang flashflood sa Pangasinan ay dulot ng pananalasa ng bagyong Pepeng sa Northern at Central Luzon sa loob ng dalawang linggong delubyo kung saan napilitan ang mga dam na magpakawala ng tubig. Joy Cantos

Show comments