Ambus: Kabesa, alalay todas

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Tinambangan at napatay ang isang barangay chairman at security escort nito ng mga armadong kalalakihan sa naganap na panibagong ka­ra­hasan kamakalawa sa Sitio Sigbul, Brgy. New Cebu sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat. Kinilala ang mga napatay na sina Chairman Jawali Utto Mam­bao ng Barangay Penguiaman, Lambayong, at Moctar Ali ng Police Auxiliary Unit. Sa ulat na Sultan Kudarat PNP, lumilitaw na papauwi na ang dalawa lulan ng mo­tor­siklo (EZ981) mula sa public market ng Lam­bayong nang pagbabarilin ng mga armadong kalala­kihan. May teorya ang pulisya na personal na alitan na may kaugna­yan sa politika ang isa sa motibo ng krimen. Malu Manar

Show comments