Ambus: Kabesa, alalay todas
KIDAPAWAN CITY , Philippines – Tinambangan at napatay ang isang barangay chairman at security escort nito ng mga armadong kalalakihan sa naganap na panibagong karahasan kamakalawa sa Sitio Sigbul, Brgy. New Cebu sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat. Kinilala ang mga napatay na sina Chairman Jawali Utto Mambao ng Barangay Penguiaman, Lambayong, at Moctar Ali ng Police Auxiliary Unit. Sa ulat na Sultan Kudarat PNP, lumilitaw na papauwi na ang dalawa lulan ng motorsiklo (EZ981) mula sa public market ng Lambayong nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan. May teorya ang pulisya na personal na alitan na may kaugnayan sa politika ang isa sa motibo ng krimen. Malu Manar
- Latest
- Trending