Pinagdalhan sa Irish priest tukoy na
MANILA, Philippines - Natukoy na ng security forces ang pinagkukutaan ng mga kidnaper na du mukot kay Irish priest Fr. Michael Sinnot noong Linggo sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
“May tatlong reported sightings tayo, hindi pa naming puwedeng I-disclose ‘yung place,” pahayag ni Major General Ben Mohammad Dolorfino.
Kasabay nito, nagpahayag ng pagkabahala ang Columban Missionary na ipinarating sa Crisis Management Committee ni Zamboanga del Sur Governor Aurora Enerio-Cerilles sa kalagayan ni Sinnot dahil sa malubhang karamdaman sa puso kung saan hindi maipagpapatuloy ang maintenance ng kaniyang mga gamot ay maaaring mamatay.
Ayon kay Allan June Molde, spokesman ng Crisis Management Committee, ilang beses na sumailalim sa maselang operasyon sa puso si Fr. Sinnot kaya delikado kung magtatagal ito sa kamay ng mga kidnaper lalo na at walang baong gamot nang kidnapin.
“Inactivate na ‘yung Task Force Sinnot, sinusuportahan sila ng Army’s 1st Infantry Division kasi ‘yung mga units dyan sa area, they are closely working with, ngayon we have four Philippine Navy watercraft na nagko-kordon na sa dagat para, ang effort natin ngayon is to contain them in that particular area, so sa lupa,” dagdag pa ni Dolorfino.
Samantala, pinalakas din ang checkpoint upang maiwasang maipuslit si Fr. Sinnot na posibleng itago sa pinagkukutaan ng mga wanted na lider ng Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu.
Nabatid pa ang dayuhang pari ay namataan ng mga intelligence asset habang kinakaladkad ng mga kidnaper sa tatlong lugar na kasalukuyang tinututukan ngayon ng security forces.
- Latest
- Trending