CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang magkaibigang lalaki sa panibagong paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army kahapon ng umaga sa Sitio Storom, Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.
Kapwa sapol sa ulo sina Alexander Haya at Leandro Hamor. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nag-uusap ang dalawa sa gilid ng kalsada nang lapitan at ratratin ng mga armadong kalalakihan.
Base sa ulat, sinasabing mga tiktik ng pulisya at militar ang dalawa na nagbibigay ng impormasyon kaugnay sa operasyon ng NPA. Ed Casulla