LEGAZPI CITY, Philippines – Malawakang search and rescue operation ang inilunsad ng mga awtoridad para matagpuan ang apat na mangingisda na sinasabing nawala sa karagatang sakop ng Panay Island may ilang araw na ang nakalipas. Kabilang sa mga nawawala ay sina Jhun Pelagio, Pedro Pelagio, Sonny Taopo at si Rodel Tupig na pawang nakatira sa Barangay Tambongon sa bayan ng Virac, Catanduanes. Huling namataan ang mga biktimang sakay ng bangkang-de-motor noong Miyerkules ng Oktubre 7 subalit biglang naglaho dahil sa lakas ng alon at ihip ng hanging dulot ng bagyong Pepeng. Ed Casulla