Pabahay sa mga biktima ni Ondoy, nakakasa na
ZAMBALES, Philippines — Nakakasa na ang mga pangunahing proyekto ng pamahalaang lokal partikular na ang pabahay para sa mga biktima ng bagyong Ondoy sa bayan ng Botolan, Zambales.
Sinabi ni Zambales Governor Amor Deloso na kabilang sa mga proyektong nasa master plan na unang ipapatupad sa unang araw ng tag-araw ay ang 4,000-unit socialized housing project sa Upper San Juan, na ang lupa ay personal niyang donasyon.
Bagama’t ang kabuoang gagastusin sa pagpapagawa ng kalsada patungong housing site ay umaabot sa P61 milyon ay maaari pang lumiit ang gastusin sa pagtutulungan ng probinsya, pamahalaang nasyunal tulad ng DSWD, at mga donasyon.
Binago ni Deloso ang kanyang alok sa mga kumukuha ng buhangin sa Bucao River, kung saan ay libre itong makukuha kung gagamitin sa sariling pagpapagawa ng bahay; at may bayad naman kung pangnegosyo, kung saan ang ibinayad ay ilalaan sa pagpapagawa ng nasirang dike.
Samantala, umabot na sa P21 milyon ang nagagastos ng pamahalaang lokal sa pagbili ng mga relief goods na nagsimula noong pang Agosto 22, 2009. Randy Datu
- Latest
- Trending