Ambus: Vice mayor dedo

MANILA, Philippines - Isang bise alkalde ang kumpirmadong nasawi makaraang pagbabarilin ng mga maskaradong kalalakihan sa bisinidad ng Kaskag, Bagong Silang 2 sa Surigao City, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nasario Gastardo , 51, may asawa at bise alkalde ng San Francisco, Surigao del Norte. Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-6:30 ng gabi nang lapitan at ratratin ang biktima na sinasabing napuruhan sa ulo. Nagawa pang isugod ang biktima sa Miranda Family Hospital sa Surigao City subali’t nabigong maisalba. Joy Cantos

Show comments