CAMP OLIVAS, Pampanga , Philippines – Aabot sa walong barangay sa coastal town ng Calumpit, Bulacan ang lubog sa tubig-baha makaraang umapaw ang ilog sa Pampanga, ayon sa Office of Civil Defense kahapon. Ayon sa ulat, inilikas na ang 156 pamilya dahil sa patuloy na pagragasa ng tubig-baha mula sa Pampanga at Nueva Ecija patungo sa mababang barangay sa Calumpit. Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang Sapang Bayan, Bulusan, Sta. Lucia, San Jose, Gugo, Meysulao, San Miguel at ang barangay Frances. Nanatili naman nasa 214 meters ang water elevation ng Angat Dam kung saan ang spilling level ay 212 meters. Ayon pa sa ulat, hindi pa makapagpakawala ng tubig ang Angat Dam dahil maari pang ma-accomadate ang 214 meters na tubig. Ric Sapnu