^

Probinsiya

Estudyante utas sa hazing

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamata­yan ng isang 17-anyos na estud­yante na sumailalim sa hazing makaraang hindi nito makayanan ang matin­ding pahirap ng mga kasa­mahan sa sinalihang fraternity sa bisinidad ng Sitio Hinag­danan, Brgy. Coma­gascas sa bayan ng Ca­bad­baran, Agusan del Norte kama­kalawa.

Si John Vincent Bernat ng Northern Mindanao State Institute of Science and Technology at resi­dente ng Hinagdanan, Ba­rangay Co­magascas ay sumailalim sa initiation ng Alpha Kappa Rho Fraternity and Sorority noong Bi­yernes ng hapon (Oktubre 2).

Bagamat nalampasan ni Bernat ang initiation rite ay nagtamo naman ito ng ma­lubhang sugat sa kata­wan.

Makalipas ang ilang araw ay hindi na nakaya­nan ng biktima ang pana­nakit ng ka­tawan kung kaya’t  isinugod ito sa MJ Santos Hospital sa Butuan City.

Nanatili pa ng ilang araw sa ospital subalit binawian din ng buhay ang biktima may dalawang araw na ang nakalilipas bunga ng impek­syon at hemorrhage.

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya si Glo­ber Orcullo Deorico na sina­sabing kasamahan ng bik­tima sa fraternity.

Samantala, pinatawag na rin ng pulisya ang iba pang miyembro ng fraternity na sina Ron Ryan Pi­lapil, Roger Makiling, Rex Cor­vera at si Lemuel Calla­no.

vuukle comment

ALPHA KAPPA RHO FRATERNITY AND SORORITY

BUTUAN CITY

LEMUEL CALLA

NORTHERN MINDANAO STATE INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

ORCULLO DEORICO

REX COR

ROGER MAKILING

RON RYAN PI

SANTOS HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with