^

Probinsiya

Accounting system ng Rizal, muling pinarangalan

-

RIZAL, Philippines — Kinilala ng As­so­ciation of Government Accountants of the Philippines (AGAP) ang lalawigan ng Rizal bilang isa sa pinaka­mahuhusay sa bansa sa la­rangan ng pagtatala.

Sa liham na ipinaabot ni AGAP national president Evelyn Guerrero na ang ka­nilang pagkilala sa Pama­halaang Panlalawigan ng Rizal sa mahusay, de-kalidad, eksakto at detalyado noong 2008 financial report. 

Ang nasabing pagkilala ay ikalawang parangal na na­tanggap ng Rizal mula sa AGAP, kung saan ang una ay iginawad noong 2006.

Sinabi ni Guerrero na ang mga awardees ay pinili ayon sa pagiging eksakto, kum­pleto, maagap, maasahan. Kabilang din sa kanilang na­ging basehan sa pagpili ng mga huwarang ahensiya ay ang mahigpit na pagtugon sa mga accounting rules and regulations sang-ayon sa mga alituntunin ng committee on awards.

Kinilala rin ang pamumuno ni Rizal Gov. Jun Ynares III at ang husay ni provincial accountant Cecila Almajose.

Dagdag pa ni Guerrero na ang Rizal Provincial Accounting Office ay mahigpit at epektibong ipinatupad ang mga nasabing accounting guidelines na hindi nakapag­dulot ng anumang pagka­an­tala sa mga transaksyon ng pa­mahalaang panlalawigan.

Kinilala rin ni Guerrero ang sistematikong record system ng nasabing tanggapan. Katu­nayan pa anila, may­roong pinadaling pamama­raan ang provincial accounting office sa pagsasaliksik ng mga nakalipas nang mga transaksiyon ng pamaha­laang lalawigan. Ito din anila ay isang mainam na sistema para sa madaling konsolidas­yon ng impormasyon partiku­lar ang paghahanda ng mga financial reports.

 Ang iba pang lalawigang ginawaran ng pagkilala nga­yong taon ay ang mga provincial accounting offices ng Pangasinan, Saranggani at Ba­tangas kung saan ang awarding ng provincial level ay ga­ganapin sa Oktubre 12 sa L’Fisher Hotel sa Bacolod City.

vuukle comment

BACOLOD CITY

CECILA ALMAJOSE

EVELYN GUERRERO

FISHER HOTEL

GOVERNMENT ACCOUNTANTS OF THE PHILIPPINES

GUERRERO

KINILALA

RIZAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with