Trak vs cab: Bishop, 10 pa todas

MANILA, Philippines - Karit ni kamatayan ang sumalubong sa 11-katao kabilang ang isang Bishop habang anim iba pa ang na­sugatan makaraang mag­salpukan ang dala­wang sasakyan sa kaha­baan ng high­way ng Barangay Na­bunturan, Compostela Valley kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Bishop Dencio Mu­nar Yapit ng Universal So­ve­reign Church of Blessed Name of Jesus and Joseph, Ely Alberio, Salva­cion Quistas, Meraluna Quistas, Carmelita Sadia, Sonia Pacronsis, Jestoni Gallego, Nelly Joy Castro, drayber ng trak na si Ron­nie Magsibay at dalawang ‘di-pa kilalang sibilyan.

Ang mga pasahero ni Magsibay na sina Orlando Peñaranda, Eduardo Pe­ña­­randa, Jayson Peña­randa, Jaypee Martinez, Ronald Cortez, Jaime Talingting, at ang pa­sahero na si Leah Mae Mu­nar na pawang nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Sa ulat ni Compostela Valley Police Director Chief Supt. Aaron Aquino, na na­karating sa Camp Crame, naganap ang tra­hedya dakong alas-5:30 ng uma­ga sa Purok 5, malapit sa hangganan ng Brgy. Mag­saysay.

Nabatid na ang multicab (LEM 109) na minamaneho ni Bishop Yapit ay patu­ngong Davao City habang ang kasalubong naman na truck (LEV 266) ni Ronnie Magsibay ay mula sa bayan ng Mon­kayo, Com­postela Valley.

Sinasabing patungo sana sa pagtitipon ang grupo ni Bishop Yabet sa San Juan Village sa Bang­kal, Davao City nang ma­ka­salubong si kamatayan habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pu­lisya.

Show comments