ZAMBALES , Philippines – Hindi naging ligtas sa pananalasa ng bagyong Pepeng ang sementeryo kung saan naglutangan ang may 200 ataul makaraang manalasa ang tubig-baha sa bayan ng Botolan, Zambales.
Napag-alamang natibag ang mga nitso at lumutang ang mga kabaong at tinangay ng baha papunta sa mga kalapit na ilog at naanod sa karagatan. Sa tala, aabot sa 1,200 pamilya (3,000 katao) ang nananatili sa mga itinalagang evacuation centers sa TLRC Comp., Tent City at Botolan North Central Elementary School.
Sinabi ni Botolan Mayor Roger Yap na ang pagbaha ay bunsod pa rin ng pagkasira ng Bucao dike na nagsisilbing proteksyon ng bayan sa pag-agos ng tubig mula sa Mt. Pinatubo. Dahilan aniya rito ay nakalubog pa rin sa tubig-baha ang mga Brgy. Carael, Paudpod, San Juan, Batonlapoc at Brgy. Paco. Alex Galang