Health center gumuho: 4 kawani natabunan

MANILA, Philippines - Pinangangambahang nasawi ang apat na kawani na nata­bunan nang buhay makaraang gumuho ang gusali ng municipal health center sa bayan ng Taytay, Palawan kahapon ng tanghali. Gayon pa man, patuloy pang inaalam ang pagkakaki­lan­lan ng mga natabunang kawani ng nasabing health center.

Sa inisyal na ulat ni Palawan Police Director Supt. Aurelio Trampe, naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali kung saan lumambot ang lupang kinatitirikan ng health center dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan. Kasalukuyang abala sa kanilang trabaho ang mga kawani nang biglang bumigay ang nasabing gusali na nasa paanan mismo ng bundok.

Patuloy ang rescue operation sa pagbabakasaling buhay pa ang mga natabunang biktima. Joy Cantos

Show comments